From My Blogspot

Wow, found some in my blogspot. :D Oh and forgive me, too many emoticons. =))

————————

First Semester.


Alam niyo ba FEU dapat ako? :) Kaso pinili ng mom ko dito na lang sa UST. And to her. :) Thanks mom. Masaya ako sa pinuntahan ko. :)

 
Freshman. Hmm. Pagpasok ko ng room. Sino tong mga taong to? : Gumagala nanaman mata ko. Tinitignan ko isa isa. First impressions. :)) Tangkad oh, Siga yata. Hmm. Wow, model ang dating. Hala, bading? Ay! Ang cute. :) But those didn’t last. Syempre. I got to know the people inside the room. :) Attendance. First Day. :)) Si Marvin una kong nakilala. HAHA. Tangkad grabe. Pero usap lang. :)) Nung may activity, Nakilala ko naman si Jarvin. Tulad ko, mahilig din sa Online games. :) Kaso CABAL Online ako, Granado Espada siya. Pero usap pa rin. :) Tapos ayun. Trip namin nun, tinetext ko yung crush ko sa room. Tawa lang ako nung hinahanap niya. HAHA. Pero nagalit sa akin yun. :) Right Clar? HAHA. Boring kasi nung araw na yun. Naghahanap ako ng magagawa. Ayon. Nakaraos sa first day. :)

 
Hindi simple maging College Student. Daming needs. Daming deadlines. Pinagdaanan ko na agad ng first sem. Akala ko nga dati wala akong magiging kaibigan na girls eh. HAHA. Sarado mundo ko sa girls since high school (paghiwalayin ba naman kasi ng building ang boys at girls sa Pasig Catholic College.) Kaya Super limited ang friends ko na girls. Pero look now. HAHA. Dame nila. At mas close ako sa kanila kesa sa tropa ko. :)) Pero syempre iba ang trip pag tropa. Halakhak to the max. :))

 
Tropang Barako. Sumibol yan dahil kay Renz eh. :)) Kasi yung second name Szanelle (pronounced as sha.nel, as in si Shannel.) Tapos joke namin, dapat lalaki yung name. Pronounce ko sa Szanelle nun (dja.nel) para hindi parang girl yung dating. :)) ayaw, sha.nel daw talaga yun. Fine! :) Tapos nag trip na kami magpangalan kay Renz, Manny, Joyce, yung mga ganon. :)) Laughtrip nga eh. Aga pa lang. :)) Pinakaending non yung BARAKO. Renz BARAKO Cruz. Ayan dyan sumibol ang barkada HAHA. :))

 
Si Renz ba?… :) Click agad friendship namin nyan. Sobrang dami ng common sa amin. Like my page, Music Lover din yan. Plays the guitar, Drums, Piano, Musically inclined. Sings, Dances, loves to joke. Yan ang pinakamalupit magpatawa sa amin. Ang bilis maka isip ng paraan para tumawa ang barkada :)) Galing. Minsan nga wala pang effort tinatawanan ko na yan eh. (yung mga titig niya kasi sa lapag, sa isang lugar, tapos kakanta bigla, tapos aaktong parang bata, hay nako Renz :))) Siya pa lang ang tanging friend na naki-sleep over ako. HAHA. Nagbaha kasi dahil kay Ondoy. Naki’tira?” muna ako dun ng isang araw. HAHA. Kasama si Pons. Doon kami natulog. Magkatabi. (Mga isip nyo ha? Lalo ka na Renz. :)) Damn!) HAHA. Ps3, Computer, KIT KAT! HAHA. Ayan ang pinaggagagawa namen dun. Tandem yang tatlong yan eh. HAHA. Pag nagsama sama nagwawala. Di ba Elaine? :) Grabe. Saya. :))

 
Eh sino yung Pons?… :) Ah yun? Si bulilit? HAHA. Ayan naman si master. :) Talino niyang putek na yan eh. HAHA. Ayan laging napagtritripan ni Paolo eh. Nagstart nung Library Orientation. HAHA. Tinignan ko si Pons habang nagsasalita yung librarian. Nakatitig siya. (take note naka nga nga pa, at may kung ano mang ginagawa sa kamay niya.) :)) Tawa agad ako. Paglingon niya ayon. Inasar na siya sa librarian. natuloy yon hanggang sa mga prof namin. :)) Peace Pons. Pero eto laging kong kasama sa pag trip eh. HAHA. Yung mga bading na trip. :)) Kami lagi nang jojoke nun eh. HAHA. Kaming dalawa pa lang ni Pons magulo na eh. Pag sumali si Renz nakooo. :)) Giyera. HAHA. Eh pag magkakasama yang tatlong yan di ba imposibleng matalo sa contests? :) Laging panalo sa games (yabang :) HAHA.) Joke. Kasama ko yan sa bahay nilia renz eh, Nag laro lang kami at kumain ng Kit Kat. :D Laging kinokopyahan ng Assignment. Nagalit yan sa akin dati eh. Piangtripan ko kasi HAHA. Ponsy talaga oh. Saya. :))

 
Paolo? Hmm?… :) Ah. HAHA. Ayan? Si KUYA. :D Peace Pao. Eto naman. Si Paolo. Kasama ko yan sa pagiging true man decorum? Joke lang HAHA. (ano??). Yung mga hindi trip nila Pons at Renz na gawin. Kami kami nila Pao at Ced gumagawa. Like, pantritrip. Tska, GH. HAHA. Magagalit si Pao eh. sasabihin nanaman niyan ako yung bad influence. HAHA. :P Kalaro ko yan sa CABAL eh. Kaso hindi na naglalaro ngayon. Kaya binibilhan ko na lang ng pera. :)) Swerte nga eh binibigyan din ako ng kaunting gamit. Pag may taong kinababanasan yang si Pao sinasabi sa akin eh. Kinig lang ako. Kasama sa paggawa ng project. Sa pagkain :)). At sa paggagala. :)) Inuman. Yung mga ganon. Kasi nga siya pwede na. :) Dati pa. :) Peace. Basta pag usapang lalake (as in MAN). Eto kausap ko HAHA. :)) Saya.

 
Ced? Hmm… :) Ah, Si Cedric. :) Yung mga gwapo sa room tulad ni Jules. HAHA. Tulad ng sinabe ko. Trip namen nila Pao at Ced. Si Ced at Pao, parehas yan ng trip. Lagi yang magkasama eh. Palagi. :D Kaya pag ako kasama niyan. Parang kasama ko lang si Pao. :) GH, Usapang lalake. Pero yung pinaka masayang trip na ginawa namin. Yung mga paggawa ng skits. :)) Commercials! :)) Yung kay Jc. :)) Pacquiao. Vitwater, Fita, Voice, Biogesic. :)) Laughtrip grabe. Leader yan ng tropa nmen eh. :) Pag academics. Asahan mo si Cedric ang leader kapag tropang barako. Matalino kasi eh. HAHA. Dahil sa kanya taas ng project namen HAHA. :) Talagang certified maaasahan. :)
Jules? Bading… :)) Joke lang yun HAHA. Hindi bading yan. Ayan si Julius? :) Isang matalinong barako. :) Kausap ko rin yan pag usapang lalake. Kasama ko rin kapag nag babading badingan :)) BULLY. Tulad nina Clar. HAHA. Pero astig din kasama yan si Jules. Masaya. Parang normal na barkada. Katuwaan. Bading badingan. Kalokohan. (Huli namin ni Pao dati yan eh. HAHA. Yung doon sa tinitignan niya. :D di ba kuya Pao? HAHA.) Balanse nga siya eh. Academics and Social Life. :D Gusto ko rin maging ganyan eh. :)) Paturo na lang ako kay jules. :)) Batangueno yan eh. HAHA. Batanguenong Barako. :)))

 

Si Clar?… :)) Si crush. :) Ayan yung nagalit sa akin eh. Pinagtritripan ko kasi. :D Sorry. :P Pero ngayon tignan mo. Close. HAHA. Bully yan si Clar. Lagi nyang kasama sina Iya, Elaine at Sha. Malakas daw manapak yan eh HAHA. Yan ang lola ko :P Nag gigitara din. More than words pa lang naririnig ko. Tsaka kausap ko rin minsan about stuffs. Snob daw ako. Siya rin kaya :)) Joke. Peace lola. :)) Mahilig sa sweets. :) Bumili ng pack ng yema candy kay Renz. HAHA. Basta bully yan :D Joke! :))

 
Iya? Sikat… :)) Yeah! IYA IYA YOW. :D Yan isa sa pinaka close ko sa room. Super. :D Very HARD. HAHA. Kausap ko yan madalas. Sa kung saan man mapadpad. Tska sa ym. :)) Kasama ko rin yan uminom. Very HARD. Kame kame yun nila Pao, Mai, Jc, Kim, at yung 2 Marvin. :D Kaso iilan lang kaming uminom nun. HAHA. Kwentuhan kami palagi nyan eh. basta kung ano na lang lumabas sa bibig. :) Go lang :D Share lang ng share. Dyan din ako humihingi advices. Oh di ba? :)) HAHA. Astig kasama yan si Iya eh.. Kaso ang daming kilala. :)) Sikat. Ayun pag kasama mo. Magugulat ka na lang naiwan na pala. May kumausap pala. :D HAHA. Pero okay lang. :)) Sama sama pa rin :))

 
Elaine? Kevin?… :)) HAHA. Joke lang Laine. Ayan si Elaine? yan ang ka close ng gf ko eh. :) Naging close nung birthday ni Renz. :)) Habang nagbobonding sila. Nagkakatuwaan kami. Sila lang babae eh tska si Kat. Pero ayon. Late na kami naging magkasama ni Elaine eh. Lagi niya kasi kasama dati si…. EHEM. Kevin. :D HAHA. Peace. Yun. Sumasama yan si Elaine sa gala naming tandem (Renz, Erick, Pons xD) Kahit siya lang babae. HAHA. Aliw yan sa amin eh. Nag SM San Lazaro kami kasama siya. Aba. Nakulitan ba naman sa amin. :D HAHA. Hindi ka ba naman mabaliw sa aming 3. :D Nung consultation kasama ko yan eh. Akala niya bumagsak siya yun pala hindi. HAHA. :D Ayon. :D Pero ngayon grupo grupo kami. :)) Magkakasama :))

 
Sha? Yess… :)) Ate ko. :) HAHA. Isang modelo ng dapat ay isang magaling na tao. Beauty and Brains ika nga. :) Si Ate ang pinaka close kong girl dyan sa lahat. Kasabay ko sa LRT. Kasama gumala sa Eng. Kasama habang nagtetest. Putek pinagkamalan pa nga ako ni Maám Villegas na manliligaw eh. HAHA. Di ba Sha? Benta raw eh HAHA. Sinamahan ko kasi mag test. Tapos ayun HAHA. Magaling sa talumpati yan eh. :)) Doon nakilala si.. Ehem din. HAHA. Yung boses bading :D HAHA. Nakakatuwa kasama yan si Sha. Lalo na kapag napatawa mo. :) Nagluluha yan pag tumatawa :)) HAHA. Model din yan eh. Creamsilk :)) Ayos. :))

 
Wala na? HAHA. :) Yan yung mga taong nakasama ko sa first sem. Syempre hindi lang yan. 50 kami eh. eh sila yung pinaka ka close ko talaga doon. Hindi makokompleto isang araw ko sa 1ITB pag may isang wala doon. :)) Mahal ko lahat yan :))
Guys! Salamat sa lahat ah? Wala lang. :)) Gusto ko lang mag blog about you guys :) Masaya kasi ako kasama kayo. Kaya walang hihiwalay sa Second Semester ha? :)) Promise niyo yan. Although may aalis, Hindi yan makakalimutan. :)) Bisitahin na lang. :) Thanks sa lahat guys! :)) 1ITB rocks! :P

 

 

Dated: August 11, 2010.


Advertisements

Humor me

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s