Please?

Came across this post from facebook. Stirs the deepest part of my heart, especially the line.. “Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?” I’m not trying to be sexist here, but what’s written here is mostly true. Well, you judge yourself. I know my part as a guy. Read.

MGA HINDI ALAM NG MGA BABAE SA MGA LALAKE

Usapang lalake. *sindi ng yosi* *hithit* *buga*

Musta na, pards? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.

*hinga ng malalim*

Bakit ba ganun pards, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?Ang feeling ng masaktan pag nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano.Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e.

Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, magsaya at magdrama. Tingin mo?

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max.

Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. (Hahaha)

At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo pards, sa trip lang nila.Wala silang pake kung mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha

naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buo-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang alibi.

“Hindi pa ‘ko ready eh..”,

“Sorry pero I think we should just be friends..”,

“Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha..”

“Better luck next time na lang muna, okay lang?”,

“Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..”,

“Para lang kitang kapatid eh.. “

yaddah yaddah.

Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa ‘yon para saten.

*kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok*

At hindi lang ‘yon pards. Sa pre-relationship stage pa lang yon.Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.

Tayo daw ang mga lalake kaya

tayo ang hahawak ng relasyon.

Tayo ang aayos kung may gulo;

tayo ang dapat magpapakabait;

tayo ang magtatyaga;

tayo ang magiging devoted at faithful;

tayo, tayo tayo.

Sila? Ummm… Teka, isipin ko.

Ayun.

Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet

at kung anong oras ka dapat umuwi;

sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts;

sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano;

sila ang magbabawal;

sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave o magpagupit,

kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila,

kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila,

at kung kelan ka korni.

Minsan naikkumpara pa tayo sa ibang lalake…

Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok*

Hindi pa yun tapos pards, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang

magiging takbo ng relasyon.

Pag maganda, edi okay.

Pag may problema, kasalanan naten.

Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo.

Kaya lang mahal naten kaya di na natin

iniintindi yun.

*hinga ng malalim*

Pero alam mo pards, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e.Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan.

Mas mature?

Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim* *tingin sa malayo ulit*

At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot*

Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong ‘to, either sawa na sila, hindi na tayo trip,may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna.Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don?Syempre wasak na ang imahe naten.Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga masasama at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.

Ang ending:mag-ooffer sila ng “friendship” kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, “player” na ang image naten,at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.

Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?

Minsan lang mag-mahal ng totoo ang lalake, kaya pag natyempohan sila nito, pahalagahan na nila. Dahil pang-habang buhay na yun. Wag silang gumawa ng permanenteng desisyon para sa pansamantalang emosyon.

Advertisements

5 thoughts on “Please?

  1. Two cents ko lang, kasi napapagusapan naman yung ganitong bagay, di lang talaga uso sa mga teen Pinoy.
    Ika nga ng teacher ni Charlie sa The Perks of Being a Wallflower ni Stephen Chbosky, “We accept the love we think we deserve.”
    Siguro dahil na rin sa daan-daang pelikula na ipinalalabas tuwing Pebrero at kung ano mang buwan na kelangan ng pera ng Star Cinema o GMA, nagkakaruon ng pattern ang mga relasyon, nagkakaron ng mold at nagiging pare-pareho. Minsan nga nakakababa na rin ng tingin sa kabataan kasi parang wala na silang ibang ginawa kung di magdaydream at maghanap ng ‘mamahalin.’
    Parang wala na tuloy effort bumuo talaga ng relasyon yung mga tao. Ginagaya nalang nila sa iba. End result: yung mga instances na nabanggit mo.

    Ayun. Umepal lang. Hello :D
    Kasi para talagang ginawan na natin ng standard yung bagay na hindi naman dapat kino-contain.

    Okay, bye :P

    • Well, that’s true. Ang laki kasi ng influence ng media sa mga tao. Lalo na’t hindi naman nawawala sa buhay ng tao yun.

      Ang hirap lang kasi sa lagay ng mga tao (Yes, pertaining to everyone, not just guys) na iba ang isip compared sa ganun. Siguro kumbaga kasalanan na rin nung nagmamahal mismo, pero ewan.

      Masakit pa rin.

  2. hoy papa! chos! :)

    medyo natamaaan dun sa part na “tayo yung humahawak ng relasyon”.Ayun, medyo dibdiban na kung dibdiban yung post na ‘to. Ask ask rin ng guidance sa Kanya at matutong maging patient when it comes to that, kasi tignan mo. pattern kasi siya. (hindi ko siya maexplain logically pero kung mapapansin mo talaga.. ganon)

    LET’S DRINK TO THAT! :))))

    • Haha. Agreed.

      Pero even though binabasa mo ‘to, like I did from the past, hindi ko pa rin maikakaila na hindi lahat dito ay totoo.

      Maybe sometimes sexist ako sa lalake and sometimes sa babae. I put myself in the middle ground kasi I value equality in Men and Women.

      Totoo lang yung ibang nakalagay dyan. Alam niyo na yan. :)

Humor me

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s